MY FATHER GOES TO COURT
by : Carlos Bulusan
Noong apat na taong gulang ako, nanirahan ako sa isang maliit na bayan
sa isla ng Luzon kasama ang aking nanay at mga kapatid. Nasalanta ang
bukid ng aking ama ng isa sa mga biglaang pagbaha sa Pilipinas noong
1918, kaya nanirahan kami sa bayan ilang taon matapos iyon, kahit na mas
gusto ni ama na tumira sa probinsya. May kapit-bahay kami na sobrang
yaman, na madalang lumabas ng bahay ang mga anak. Habang naglalaro
kaming mga lalaki at babae at nagkakantahan sa sikat ng araw, nasa loob
lamang ang kanyang mga anak at sarado ang mga bintana. Napakataas ng
kanyang bahay kaya nasisilip kami ng kanyang mga anak sa aming bintana
at pinapanood kami kapag naglalaro, o natutulog, o kumakain, kung may
makakain man sa bahay.
Ngayon, palaging nagpiprito at nagluluto ng ulam na mainam ang katulong ng mayaman, at natatangay ang mabangong amoy ng hangin mula sa bintana ng malaking bahay. Nakatanghod kami at nilanghap lahat ng kapuri-puring samyo ng pagkain sa aming kamalayan. Minsan sa umaga, tumatayo kaming mag-anak sa labas ng bintana ng mayamang lalaki at pinakikinggan ang malamusikang sagitsit ng makakapal na hiwa ng bacon o hamon. Naaalala ko pa noong minsang hapong naglitson ng tatlong manok ang mga utusan ng aming kapitbahay. Mga sariwa at malalambot pa ang mga manok at nakakabighani ang amoy ng taba na kumakatas sa nagbabagang uling. Pinapanood namin ang katulong habang binabalibaligtad and kaayaayang mga manok at nilalanghap ang mala-langit na samyo na pinapadpad sa amin.
May mga araw na sumusulpot sa bintana ang mayaman at sinisimangutan kami. Tinitingnan kami isa isa na parang kinukondena. Malulusog kaming lahat palibhasa nagpapa-araw kami araw-araw at nagtatampisaw sa malamig na tubig ng ilog na tumatagistis mula bundok hanggang dagat. Minsan, naghaharutan kami sa bahay bago lumabas at maglaro. Palaging buhay ang aming mga diwa at nakakahawa ang aming mga tawanan. Madalas na titigil sa aming bakuran ang mapadaang kapitbahay at makikisali sa aming halakhakan.
Ang pagtawa ang aming tanging kayamanan. Isang masayahing tao si ama. Pupunta siya sa sala at tatayo sa harapan ng malaking salamin, babatakin ang kanyang bibig sa kakatwang pigura gamit ang kanyang mga daliri at gagawing katawatawa ang sarili, pagkatapos tutungo sa kusina, na kumakalugkog sa halakhak.
Sangkatutak na bagay ang nakakapatawa sa amin. Isang pangyayari halimbawa, ang araw na umuwi ang aking kapatid na may maliit na talaksan sa ilalim ng kanyang braso, kunwaring may dalang nakakatakam na makakain, pata ng tupa marahil o pagkain na espesyal gaya non, para maglaway kami. humangos siya kay nanay at sa kandungan nito inilapag ang talaksan. Nakamasid kami paikot kay nanay habang kinakalas nito ang kumplikadong tali.
Walang kamalamalam umigpaw sa talaksan ang itim na pusa at walang direksyong tumakbo palibot ng bahay. Hinabol ni nanay aking kapatid at binigwasan habang kami ay kukob at balariid sa katatawa.
Isa pang pangyayari ay ng isa sa aking mga kapatid ay biglang nagsisigaw sa hatinggabi. Kinalma siya ni nanay. Umiyak ang aking kapatid at umaatungal. May hiya sa matang napatitig ito sa amin nang sinindihan ni ama ang lampara.
“Ano iyon?” tanong ni nanay.
“Buntis ako!” iyak nito.
“Huwag kang loko!” sigaw ni ama.
“Bata ka pa,” sabi ng nanay.
“Buntis nga po ako,” anito.
Lumuhod si tatay sa tabi ng aking kapatid. Hinawakan niya ito sa tiyan at marahang hinaplos. “Paano mo nalamang buntis ka?” tanong nito.
“Damhin mo!” iyak ng aking kapatid.
Ipinatong namin ang aming kamay sa puson nito. May gumagalaw sa loob. Natakot si ama. Nangilabot si nanay. “Sino ang ama?” usisa ni nanay.
“Wala,” sagot nito.
“Ano pala iyan?” tanong ng tatay.
Biglang binuksan ng aking kapatid ang kanyang blusa at isang palakang kabkab ang tumalon. Nahimatay si nanay, nabitawan ni ama ang lampara, kumalat sa sahig ang langis at nagliyab ang kumot ng isa kong kapatid. Sa sobrang tawa, nagpagulong gulong sa sahig ang isa sa kapatid kong lalaki.
Nang naapula ng apoy at nagkamalay-tao ang nanay, bumalik na kami sa aming mga higaan at sinubukang matulog subalit hindi matigil si ama sa paghahalakhak ng malakas kaya hindi na kami nakatulog. Muling bumangon si nanay at sinindihan ang lampara; tinupi namin ang banig at nagsimulang sumayaw at maghalakhakan ng todo. Sa ingay namin, nagsidatingan at nakisali sa aming malakas at wagas na tawanan ang mga kapit-bahay maliban sa mayamang pamilya.
Taon na ganoon ang mga pangyayari.
Sa paglipas ng panahon, nagiging payat at nanghihina ang mga anak ng mayamang lalaki habang lumalaki kaming malusog at masigla. Maaliwalas at malarosas ang aming mukha ngunit maputla at malungkot ang sa kanila. Nagsimulang ubuhin sa gabi ang mayamang lalaki, tapos naging araw at gabi na. Inubo na rin ang kanyang asawa. Tapos pati rin mga anak nila. Kapag gabi, parang kahol ng kawan ng seal, isang uri ng mammal sa dagat, ang ubo nila. Pinapakinggan namin sila mula sa kanilang bintana. Nagtataka kami kung ano ang nangyari. Alam naming hindi sa nagugutuman sila dahil nagpiprito pa rin sila ng masasarap na makakain.
Isang araw, ang mayamang lalaki ay dumungaw sa bintana at tumayo don ng matagal. Minasdan ang aking kapatid na babae na tumaba na sa katatawa, tapos sa aking mga kapatid na lalaki na ang mga braso at binti gaya na ng molave , ang pinakamatatag na puno sa Pilipinas. Pabalandra niyang sinara ang bintana at tumakbo tuloy-tuloy sa loob ng kanyang bahay sabay sara ng lahat ng bintana nila.
Mula noon, sarado na lahat ng bintana nila. Hindi na lumalabas ang mga anak nito. Dinig pa rin naming nagluluto ang katulong nila at kahit anong lapat ng pagkakasara ng bintana, dala pa rin ng hangin ang samyo ng pagkain at mapamiring na pinapadpad sa bahay.
Isang umaga, may dumating sa bahay na pulis galing presidencia na may dalang selyadong papel. Nagdemanda ang mayaman laban sa amin. Isinama ako ni ama sa bayan upang itanong sa kawani ng bayan kung tungkol saan ang sulat. Sinabi nito kay ama, pahayag ng mayaman na taon na daw na ninanakaw namin ang samyo ng pagkain at kayamanan nito.
Nang dumating ang araw na kailangan na naming humarap sa hukuman, nilinis ni ama ang luma niyang uniporme pangsundalo at hiniram ang sapatos ng isa kong kapatid. Una kaming dumating. Sa harap ng silidhukuman umupo si ama. Sa upuan sa may pinto si nanay. Sa mahabang upuan sa may dingding kaming magkakapatid. Umiigtad-igtad si ama sa pakakaupo at hinahalihaw ng kanyang kamay ang hangin , na parang pinagtatanggol niya ang sarili sa harap ng kunyaring tagahatol.
Dumating ang mayamang lalaki. Tumanda ito at nanlalata; may mga gatla na ito sa mukha. Batang abugado ang kasama nito. Halos mapuno ang mga upuan nang nagdatingan ang mga usyosero. Pumasok ang huwes at umupo sa mataas na bangko. Mabilisan kaming nagtayuan at umupo din uli.
Nang matapos ang paunang seremonya sa silidhukuman, tiningnan si ama ng huwes. “May abugado ka ba?” tanong nito.
“Hindi ko kailangan ng abugado, ginoong huwes,” sagot ni ama.
“Magpatuloy,” sabi ng huwes.
Biglang tumayo ang abugado ng mayaman at sabay turo kay ama. “Tumatanggi ka ba na ninanakaw mo ang samyo ng pagkain at kayamanan ng nagrereklamo?”
“Hindi!” sagot ni ama.
“Umaamin ka ba na habang nagluluto at nagpiprito ng matatabang pata ng tupa o mga sariwang manok ang mga katulong ng nagrereklamo, nakatanghod ka at ang iyong pamilya sa labas ng bintana at nilalanghap ang mala-langit na samyo ng pagkain?”
“Oo,” sabi ni ama.
“Umaamin ka ba na habang nagkakasakit at inuubo ang mga anak ng nagrereklamo, lumalakas ang katawan at kumikinis ang balat mo at ng iyong pamilya?”
“Oo,” sabi ni ama.
“Paano mo maipapaliwanag yan?”
Tumayo si ama at nagpalakad lakad, kinamot ang ulo at nagmuni-muni. At nagsalita, “Gusto ko sanang makita ang mga anak ng nagrereklamo, ginoong huwes.”
“Ipasok ang mga anak ng nagrereklamo.”
Nahihiya ang mga itong pumasok. Napatakip ng bunganga ang mga usyosero, nanggilalas ang mga ito sa nakitang kapayatan ng mga bata. Tahimik na naglakad na nakatungo ang mga bata sa bangko at umupo. Nakatitig ang mga ito sa sahig at alumpihit na ginagalaw ang mga kamay.
Hindi nakapagsalita si ama sa una. Nakatayo lang ito sa may upuan niya habang minamasdan ang mga bata. Sa wakas nasabi nito, “Gusto ko sanang usisain ang nagrereklamo.”
“Magpatuloy.”
“Inaakusa mo na ninakaw namin ang samyo ng iyong pagkain at kayamanan at naging palatawang pamilya kami habang naging masungit kayo at malungkot?” tanong ni ama.
“Oo.”
“Inaakusa mo na ninakaw namin ang samyo ng iyong pagkain sa pagtunganga namin sa inyong bintana habang nagluluto ang iyong katulong?”
“Oo.”
“Kung gayon, babayaran kita ngayon,“ sabi ni ama. Pumunta siya kung saan kaming magkapatid nakaupo at kinuha ang sambalilo ko sa aking kandungan, at sinimulan nitong lagyan ng barya mula sa kanyang bulsa. Gumawi siya kay nanay na naglagay din ng sandakot na sensilyo. Naglagay din ng konting barya ang aking mga kapatid.
“Puwede ba akong pumunta sa may pasilyo at manatili doon sandali, ginoong huwes?” tanong ni ama.
“Kung iyong nais.”
“Salamat,” sabi ni ama. Naglakad ito patungo sa kabilang silid dala ang sambalilo. Halos puno na ito ng barya. Bukas ang pinto ng dalawang silid.
“Handa na ba kayo?” tawag ni ama.
“Magpatuloy,” sabi ng huwes.
Sumahimpapawid ang matamis na kalansing ng barya. Lumingon ang mga usyosero sa pinagmumulan ng tunog na may pagtataka. Bumalik si ama at humarap sa nagrereklamo.
“Nadinig mo ba yon?”
“Nadinig ang ano?” tanong ng mayaman.
“Ang kalansing ng barya ng alugin ko ang sambalilo?
“Oo.”
“Kung ganon bayad na ako,” sabi ni ama.
“Napanganga ang mayaman para magsalita at walang tunog na bumulagta sa sahig. Humangos ang abugado para tulungan ito. Pinukpok ng huwes ang kanyang malyete.
“Abswelto ang kaso,” sabi nito.
“Kumanyang-kanyang si ama palibot sa silidhukuman. Bumaba pati ang huwes sa kanyang upuan at nakipagkamay kay ama. “Ngapala,” bulong nito, “may tiyuhin akong namatay sa katatawa.”
“Gusto mong madinig tumawa ang aking pamilya, ginoong huwes?” tanong ni ama.
“Bakit hindi?”
“Nadinig ninyo iyon mga anak?”
Sinimulang tumawa ng kapatid kong babae. Nagsunuran kami, hindi nagluluwat nakitawa na ang mga usyosero, sapo ang mga tiyan at kubkub sa upuan sa katatawa. Ang halakhak ng huwes ang pinakamalakas sa lahat.
Sherwin M. Perlas
Prof. Michael Coroza
Translation
NAISALIN BA ANG DAPAT ISALIN? NATUMBASAN BA
ANG DAPAT TUMBASAN? – Suri sa Sariling Salin ng Akda ni
Carlos Bulusan – “My Father Goes to Court”
Introduksiyon
“Ang kahusayan ng isang salin ay masusukat hindi lamang sa kung sino ang nagsalin, kung hindi, kung paano ito isinalin (38).” Yan ang binigyang-diin ni Jorge-Legaspi sa kanyang papel na “Isang Pagsusuri sa mga Teknik na Ginamit ni Rustica Carpio sa Pagsasalin ng Maikling Kwentong “Doubt” ni Wong Meng Voon”. Ayon pa sa kanya, “mahalagang masuri ang pamamaraan o teoryang nakapaloob sa pagsasalin ng isang akda, at malaman ang aktwal na aplikasyon ng mga ito upang higit na maging obhektibo at matibay ang mga simulain sa panunuring pampagsalin o translation criticisms (38).”
Ito ang ideya na ginawa kong basehan sa pagbuo ng papel na ito bukod sa maipagtanggol ko ang aking hamak na pagsalin ng isang napakagandang maikling kwento. Kaya minarapat kong suriin ang sarili kong salin; ang mga teknik na aking naging gabay at ang mga suliranin na aking nalagpasan.
Suliranin at Teknik na Ginamit
Ang pagtumbas sa salitang ‘brother’ at ‘sister’ ang unang una kong naging suliranin sa pagsalin. Wala itong eksaktong tumbas na isang salita lamang sa Tagalog kundi kapatid na babae para sa sister at kapatid na lalaki para sa brother. Lalo itong nagpapahaba sa salin. Ayon kay Jorge-Legaspi, kailangan ang pagtitipid ng salita o economy of words (59).
Ngunit kong hindi ko naman piliting tumbasan mawawala ang katapatan ko sa orihinal. Sa tagalog, maraming mas akma at saktong katumbas ang salitang sister, gaya na lamang ng: ate, ditse, sanse. Ganon din sa brother: kaka, manong, manoy, kuya, diko, sangko, utol. Ngunit sa kwento ay hindi naman tinukoy ni Bulusan kung nakakatanda o nakakabata niyang kapatid ang mga binabanggit niya. Kung tutuusin, hindi ko nga mabilang kong ilang lahat talaga ang mga kapatid ng nagsasalaysay. Nagkasya na lamang ako sa mahabang salin na iyon at paminsan minsan ay hindi ko na binabangit kung babae o lalaki iyon kung naipapahiwatig na rin ito sa mga kasunod o naunang mga pangungusap. Tinatawag itong kompensasyon (compensation), na “ginagamit kapag ang pagkawala ng kahulugan ng isang bahagi ng parirala, pangungusap, o talata ay natutumbasan o nababayaran sa ibang bahagi. Nangyayari ito kung ipaghalimbawang may kinaltas na salita sa isang pangungusap sapagkat ang kahulugan nito ay nabanggit na sa naunang pangungusap (Jorge-Legaspi, 46). Halimbawa yong eksena na nagpatawa ang kapatid na babae ng nagsasalaysay sa kwento kung saan sinasabi niya siya ay buntis. Babae lang naman kasi ang puwedeng magbiro ng ganoon at maaaring paniwalaan. Nang sinagot naman niya ang tanong ng ina kung sino ang ama ng kanyang dinadala, minarapat kong tumbasan ng “wala” ang sagot nitong “There’s no man.” Malinaw na kasi na yon ang tinutukoy.
Ginawa ko namang mga anak imbes na sons and daughter dahil kung isahang pagtutumbas ang gagawin, magiging anak na lalaki at babae. Mahaba pa rin.
Sa palitan ng dialogo ng mga tauhan, tinanggal ko rin ung ibang deskripsyon kung naiintindihan na rin sa palitan ng salita ng mga tauhan kung sino na ang nasasalita. Gaya ng pagtanggal ko sa ilang father said at mother said na deskripsyon.
Ginamit ko rin ang pagpapaikli bilang isang teknik. Ayon pa rin kay Jorge-Legaspi, mabisa ang pagpapaikli sa isang salita lamang ng mga pariralang dalawahing salita (52). Halimbawa na lang ng sat on the chair na tinumbasan ko ng umupo at went out in the sun na tinumbasan ko ng nagpapa-araw.
Idiomatiko naman ang ginamit kung teknik sa pagsalin ng his face was scarred with deep lines. Kung isahang pagsalin ang gagawin, piklat o kinalmot ang kalalabasan ng scarred. Idiomatiko ito sa salitang Ingles na hindi puwede ang isahang pagtutumbas. Pinili ko itong tumbasan ng may mga gatla (wrinkles) na ito sa mukha na ganon naman talaga ang ibig sabihin ng may akda.
Idiomatiko din ang pagsalin ko ng salitang wrestled na tinumbasan ko ng naghaharutan. Ang isahang tumbas nito ay (v.) magbuno, magpambuno; makipagtagisan; magtumba o magpatumba; (n.) buno; pakikibaka; pakikilaban, pakikipaglaban. Na sadya namang hindi ganon ang ibig ipakahulugan ng may akda. May halong leksikal na sinonim (Lexical synonymy) ang ginamit ko dito na ayon kay Jorge-Legaspi ay “nagpapalinaw sa diwang nais ipahayag ng may akda (54)” at “nagbibigay ng malapit na katumbas o angkop na kasingkahulugan sa target na wika ng pinagmulang wika (44).” Ito din ang naging batayan ko sa pagsalin ng courtroom na tinapatan ko ng silidhukuman. Ang salitang plenty ay tinumbasan ko rin ng sangkatutak, hindi lang para maging angkop sa nais ipahiwatig ng may akda kundi para bigyan din ng kasidhian (degree of meaning) ang salita.
Naging hamon din ang pagtumbas sa mga salitang eksklusibo sa loob ng hukuman – mga jargon ng abugado at huwes. Gaya na lamang ng salitang proceed na tinumbasan ko ng magpatuloy. Ganon din ang cross-examine ng ginawa kong usisain. Tinapatan ko rin ng ginoong huwes ang judge, para mas angkop sa kulturang Pilipino na may paggalang.
Madugo din ang ginawa kong pagdesisyon sa mga salitang bacon, presidencia, sheep (tupa) at seals. Dala-dala ng Amerikano sa Pilipinas ang bacon bilang kanilang panguhaning ulam sa almusal. Tinumbasan ito ng Kastila ng salitang tocino na siyang mas tipikal na pang-almusal dito sa Pilipinas. Una kong pinili ang tocino sa kadahilanang ito ang sa tingin kong mas panksyunal na katumbas (functional equivalent) ng bacon. Ang panksyunal na katumbas ay “pagsasalin na ibinibigay ang higit na gamitin at tinatanggap na katumbas o kahulugan. Tinatawag din itong (deculturalizing the language) pagdede-kulturisa ng wika (Jorge-Legaspi, 45).” Ngunit ng naglaon, napagtanto kong hindi ito tinatanggap na katumbas kaya hindi ko maaaring gamitin ang teknik na ito. Maliban sa kaalaman na pamilyar na rin ang mga Pilipino sa bacon. Gaya din ng pagiging pamilyar sa sheep o tupa. Ang inaalala ko lang, ilan kaya sa mambabasang pilipino ang nakatikim na ng bacon, mas lalo na ng tupa. Kaya paano nila mapahalagahan at maikumpara ang kanilang karanasan sa mga tauhan sa kwento. Apropriyasyon lamang ang magagawa ng ibang hindi pa nakakatikim ng mga pagkaing ito. Kabilang na ako na hindi pa nakatikim ng tupa. Sa kabila ng aking pagsaalang-alang sa usaping ito, minarapat ko pa rin na panatilihin ang mga konseptong ito gaya din ng pagdesisyon kong huwag palitan ang salitang presidencia lalo na ang seal na wala talagang katumbas.
Bagaman, napag-isipan kong palitan ng aso ang kawan ng seal na sadyang maingay lalo sa kasagsagan ng kanilang mating season upang maging mas pamilyar sa Pilipinong mambabasa ang paghambing ni Bulusan sa ubo ng mayaman at maitumbas ito sa kahol na aso pag-gabi. Datapwat napagnilay-nilay ko na pwede kong gamitin ang teknik ng pagdaragdag (addition/expansion); ang “gramatikal na pagdaragdag ng salita sa salin upang maging malinaw ang kahulugan (Jorge-Legaspi, 45). Ang aking ginawa ay pagdaragdag ng deskripsyon. Sana naging tama ang desisyon ko dito.
Yan ang mga pangunahing epekto ng pagsa-alang-alang ko na ang kwentong ito ay katatawanan at orihinal na isinulat ni Bulusan sa mambabasang Amerikano. Kaya pinilit kong maging nakakatawa ng aking salin sa pagbigay sidhi sa mga salitang pinangtumbas ko at sinikap na ma-iangkop sa mambabasang Pilipino ang mga konseptong nabanggit.
Ang salitang spirit na parehong ginamit sa spirit of food at spirit of the money ang pinakamahirap tumbasan sa lahat. Nagkasya na lamang ako sa pagtumbas ng samyo ng pagkain at kalansing ng barya.
Ang pag-iwas sa paggamit ng salitang “ay” ang pinakamalaki kong binigyan ng oras. Isa pa, likas na iba ang istruktura ng Filipino sa Ingles, kung saan karaniwan sa Filipino na una ang panag-uri sa paksa, kaya’t lubhang nangangailangan ng pagpapalit ng ayos (Jorge-Legaspi, 49).
Sa pagsususuri ng saling Filipino mula sa Ingles, pinakagamitin sa lahat ang pamamaraang transposisyon. Apat na klasipikasyon ang transposisyon. Una, pagpapalit ng ayos ng pangungusap (subject-predicate order); pangalawa, pagpapalit ng ayos ng mga salita (word order); pangatlo, paglilipat ng isang bahagi ng pangungusap sa ibang pangungusap; at pang-apat, pagbubuo ng tambalang pangungusap mula sa dalawang payak na pangungusap (Jorge-Legaspi, 50). Ang pagpapalit ng ayos ng pangungusap ang pinaka-karaniwan kong ginawa. Halimbawa: They came in shyly = Nahihiya ang mga itong pumasok; we watch = pinapanood namin. Ang pagpapalit din ng ayos ng salita: rich man’s servants = katulong ng mayaman. Ang dalawang nahuli ay hindi ko na ginamit. Medyo simple at madali na sundin ang estilo ng panunulat ni Bulusan. Ang tipikal na istruktura ng Filipino, na karaniwang nauuna ang panaguri sa paksa ang pinilit ko talagang bigyang pansin.
Pangwakas
“Ang pagsasalin ay isang sining at isang agham na nangangailangan ng malawak na kaalaman sa larangan ng kakayahang panglingwistika at pansemantika” ayon kay Ligaya Tiamson-Rubin sa kanyang papel na “Isang Pagsusuri sa Salin ng Book of Psalms ng Biblia (62). Idinagdag pa nito na napapagtagumpayan ang pagsasalin dahil sa matibay na pangkaisipang disiplina at paglalaan ng sapat na pundo at panahon. Mga katangian, kasanayan at kalagayan na malinaw na wala sa akin. Di hamak na wala akong sapat na kasanayang panglingwistika at pansemantika at lalo na ng sapat na panahon. Sabihin pa natin na ang akdang buong tapang kong hinarap ay naisalin na, at hindi ko man lang ito nasilayan upang kahit papaano at maibase ko dito ang aking pagpupunyagi. Ang magagawa ko lamang ay subukang isalin ang akda sa abot ng aking kaalaman at magpuyat ng dalawang araw ng maibigay ko lahat ng maari kong maibigay.
Napakaganda at nakakabighani ang disiplina ng pagsasalin. Nararapat lamang na bigyan ito ng mahabang panahon kahit na tatlong semestre. Tunay na hindi sapat ang isang semestre sa napakalawak at kawili-wiling disiplina ng pagsasalin. Mabuti na lamang at sa maikling panahon na aming pinagsaluhan, lubos ako nitong nabigyan ng ibayong kaalaman.